About

recent

Titulo

How To Talk To Your Prospect Like A Top Earner In Network Marketing Business



Naalala ko pa dati yung isa sa mga unang ginawa ko noong nagsisimula pa lang ako sa networking business ko.

Nag-sign up ako at nag-pay-in kahit alam kong walang-wala na rin ako nung time na yun. Sobra ang kaba ko na hindi maintindihan dahil noon lang ako susubok sa walang kasiguraduhan.

Nagsasalimbawan sa utak ko ang sari-saring tanong na di ko alam ang sagot: Ano ang sasabihin ng mga tao sa akin kapag nalaman nilang nasa raket ako ng pagne-networking?

Pagtatawanan ba nila ako? Magsasabi ba sila ng "Ayaw ko"? Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila kapag tinanong nila ako kung anong raket ito? Sinisira ko na ba ang buhay ko?!? AAAAAHHHHH.

Yun ang mga tanong na muntik ko nang maibulalas sa sarili ko nung gumagawa ako ng offline prospecting, pero deep down inside sa sarili ko ang may nagsasabi sa akin na gawin mo lang yung pinapagawa sa'yo sa training at tingnan mo kung ano mangyayari.

So ginawa ko nga. Kinontak ko ang aking unang prospect at nagulat pa ako nung mag-reply siya sa text ko at tinatawagan niya pa ako! Ngayon kailangan ko na talagang magsalita. Takot na takot ako!

Nagsimula na akong magsalita at ipinaramdam ko sa kanya kung gaano kaganda ang nakita kong business opportunity at kung gaano ko rin siya gustong sumali sa akin. Ang bilis kong magsalita nun na halos ikagulat ko pa nga kung paano ako napatigil ng kausap ko. At nung siya na rin ang magsalita. Nadurog ako. As in durog talaga.

Pinagtawanan niya ako. As in, literal na pinagtawanan niya talaga ako. Sinabi niya sa akin na wala daw ako sa sarili ko para maniwala sa isang scam. Dun agad natapos ang aming usapan.

Friend, ang unang 20 prospects na kinontak ko para sa aking network marketing business, lahat sila ay ni-reject ako. Alam ko, napaka-brutal naman nito di ba? Ang ilan sa mga kaibigan ko pinagtawanan lang ako. Yung iba nagsabi na wag ko na daw silang kausapin kung tungkol sa business opportunity. Tuyot na tuyot ako nun. At hindi ko maintindihan kung ano ang mali sa akin.

Obvious na sa akin nun na kahit nasa pinakamagandang company ako na merong pinakamagandang products at marketing plan ay merong mali sa akin. At ito yun...

Hindi ko alam yung isang "characteristic" ng mga Top Earners sa networking.

Silang mga kumikita na ng six at seven figures na hinangaan ko nun ay pare-pareho lang ng opportunity na meron ako that time, pero yung characteristic na yun na meron sila kapag may kausap sila na prospect ay walang-wala naman sa akin kapag ako naman ang may kausap na prospects.

Na-realize ko nun na kung matutunan ko lang din kung ano ang isang characteristic na'to ng mga milyonaryong ito, baka makakuha rin ako ng taong sasali rin sa akin. At tama nga ako!

Ginaya ko yung mga best marketers sa networking business, pinag-aralan ko sila at ginawa ko silang modelo, at dun ko nalaman na dahil sa characteristic na ito ay nagagawa nilang makapag-recruit nang walang kahirap-hirap.

Ngayong kumikita na rin ako sa business ko nang nasa bahay lang na may dollars commissions kahit andito lang ako sa Pinas, naaalala ko pa rin yung hirap kapag hindi mo alam kung paano mo kakausapin ang prospects mo.

So, Ano ba yung characteristics na yun na
nag-determine ng effectiveness ng Top Earners pagdating sa sponsoring or recruiting skills nila?

Iyon ay nagsisimula sa PUNDASYON. Napakaraming networkers ang nagkakamali pagdating palang sa pundasyon.

Ano ba yung pundasyon? Yun ay ang tamang mental attitude or mindset. Oo, yung tamang thoughts na tumatakbo sa isip mo mismo habang kausap mo ang prospect mo. Hindi yung hypnotismo or black magic.


Many networkers do their business with a VERY WRONG mental attitude kaya mali rin ang nagiging approach nila.

Ganito kasi yun. Kapag mali ang mental attitude mo, yung tipong desperado ka, yung nangingibabaw yung lack at needy mindset mo, at yung walang abundance mentality, magre-reflect yun sa pag-kausap mo sa kanya at magiging mali rin ang approach mo. 

Pero, kapag tama ang mental attitude mo habang kausap mo ang prospect mo, tama rin ang magiging approach mo sa kanya dahil hindi mararamdaman ng prospect mo na kailangan mo siya.

Hindi ba't napakaganda ng opportunity na ino-offer mo sa kanya? So, bakit mo  kailangan makiusap sa kanya na tignan yung opportunity mo?

Hindi ba't napakaganda ng opportunity na ino-offer mo sa kanya? So, bakit kukumbinsihin mo pa siya?

Hindi ba't napakaganda ng opportunity na ino-offer mo sa kanya? So, bakit kailangan humingi pa ng pabor sa kanya para lang tingnan yung business mo?

Kaya ako nahirapan sa business ko dati, yun ay dahil MALI ang mental attitude habang may kausap akong prospect.

Ramdam agad ng prospect ko na desperado ako sa mga linyang binibitawan ko habang kausap sila. At naririnig ko rin yun sa napakaraming networkers ngayon. At pag desperation ang naramdaman ng prospects mo, desperate ka nang kumita, desperate ka nang makapagpasali ng tulad niya, doon niya rin uumpisahan na lumayo o umiwas sa'yo.

Yung tipong di na nagre-reply sa mga chat at text messages mo sa kanya. Turn-off na siya sa'yo at gagawin lahat ng excuse para lang tumanggi kahit ano pa ang explain mo ng benefits ng products at ng opportunity mo. Worst ay yung pinagtataguan ka na niya.

Ang nasa isip kasi ng prospect mo kapag naramdaman niya ang desperation sa approach mo ay...

"...gusto mo lang ako mapasali para kumita ka."
"...gusto mo lang ako mapasali kasi may commission ka pag sumali ako."
"...gusto mo lang ako mapasali kasi hindi ka pa kumikita or maliit pa lang ang kita mo."

Kung may tamang mental attitude ka at tama ang approach mo sa prospect mo, dapat ang maramdaman niya ay IKAW yung may ALAS!


Ikaw ang nagbibigay ng pabor!

Hindi ba't, ikaw naman talaga ang may products at opportunity na may malaking maitutulong sa kanya at posible pang makapagpabago sa buhay niya?


Higit ka nilang kailangan kaysa sa kailangan mo sila. Dapat ganito yung attitude na pinapakita mo sa kanila. Yung sila ang talagang nangangailangan sa'yo. Yung ikaw ang nagbibigay ng pabor sa kanila.

Sa FREE Training na sini-share ko, matutunan mo pa ito nang mas malalim. Andun din yung mga example scripts ng mga tamang approach na pwede mo ring i-aaply agad na hindi ka magmumukhang desperado.


Kung gusto mo na ding makuha ang mga Training na'to, Simply CLICK HERE!

Kapag hindi ka desperado, at kung parang balewala sa'yo kung sasali siya or hindi, mas madali mong mapapasali ang prospects mo sa'yo dahil sa ganitong paraan ay na-attract mo pa sila.

Magkakaroon pa sila ng impression na successful ka na sa ginagawa mong business dahil hindi mo kailangan pang mag-convince para lang may sumali sa'yo.


Hindi naman ibig sabihin nito na magpapanggap ka na successful ka na. Yun lang yung automatic na iisipin nila sa'yo dahil sa pinakita mong tamang mental attitude.

Again, ganito dapat ang mental attitude mo kapag may kausap kang prospect:

Hindi ikaw ang may kailangan sa kanila; sila ang may kailangan sa'yo.

Sana ay may napulot kang aral sa post ko na ito. Feel free lang to share it sa mga friends mo, partners or downlines or to your teams.

Empowering Your Success,

Marvin Bellen
Internet Entrepreneur / Network Marketer

CP No: 0915 894 4839 / 0920 554 4635

Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com

Powered by Blogger.