Sa nakaraang kong blog ay tinalakay ko yung mahahalagang bagay na dapat nating maintindihan bilang networkers kung ano ba ang mga prospects natin sa panahon natin ngayon. At masakit man iyon sa atin iyon ang katotohanang kailangan nating kaharapin.
Pero kahit ganoon ang mga prospects natin may paraan pa para gawin natin nang maayos ang ganitong klase ng negosyo.
Ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nahihirapan sa networking business ay dahil na rin sa pagtingin natin na ang networking business ay recruiting business. Yung recruit-recruit lang which is mali. Hindi mo kasi pwedeng recruitin lang lahat ng tao na nakikita mo dahil bukod sa marami na ang negative sa ganitong klase ng negosyo, may mga tao rin na hindi talaga interesado.
Ang networking ay isang Sorting Business na kung saan kailangan mong mai-sort out yung mga taong hindi interesado sa offer mo. Yun ang isa sa kailangan mong matutunan bilang networker. Sa ganitong paraan ang kakausapin mong tao o prospect ay yung taong qualified o nagpakita ng anumang interes sa inaalok mo.
Bigyan kita ng isang analogy o isang halimbawa para ma-imagine o ma-visualize mo kung paano ba natin gagawin ang ating negosyo...
Siguro naman ay nakapunta ka na ng mga restaurants o fast food chains. Ngayon, nung pumunta ka ba doon ay pinilit ka, kinumbinse o kinidnap ng isang restaurant manager o ng isang fast food crew para doon ka sa branch nila kumain? Wala di ba? (Just imagine kung paano kung ganoon nga kaya ang gawin nila sa'yo? Did you see my analogy?)
Ganun din dito sa ating business. Kailangan din nating i-apply yung mga proven business method na gaya ng sa totoong business. Dahil kung yung mga ineffective at hindi katanggap-tanggap na mga business practices ang patuloy nating gawin sa ating networking business, ano sa palagay mo ang magiging tingin sa'yo ng prospect mo?
Ang mga successful businesses ay hindi gumagawa ng ganun dahil ang ginagawa nila ay ang pagma-Market at ang pagpo-Promote ng kung anumang ino-offer nila. Iyon ang paraan nila para malaman ng tao o ng prospects nila ang tungkol sa products o services nila para doon sa kanila bumili o pumunta. In other words, they simply attract the business to them.
Hindi nila kinakausap ang lahat ng tao dahil pagkaganoon ang ginawa nila ay parang nagbabakasali lang sila lagi na may taong mahagip na interesado. Hindi ganoon ang mga tunay na Entrepreneurs. They use effective strategies and take calculated risk. They do not based their business on odds.
Ganoon din dapat dito sa ating networking business. Dahil ang totoo, sa maniwala ka man o sa hindi, milyun-milyong tao na ang open-minded at gusto ang networking at willing na makaranas ng pagbabago at mas magandang pamumuhay.
Aminado ako, na noon din, ang tingin ko sa halos lahat ng tao ay prospect sa networking business ko. Akala ko rin na ang mga top earners sa networking company ko noon ay may mga magic na ginagamit para ma-convert o mabago ang isip ng taong kausap nila. Huli na lang na ma-realize ko na ang pagso-sort out lang pala ng prospects ang kanilang sikreto. Hindi sila nang hi-hypnotize ng tao, kundi nagso-sort out para ang mabigyan nila ng presentation at mapasali ay yung willing dun sa ino-offer nila.
I hope na naliwanagan ka na rin kung paano ba dapat nating ginagawa ang networking business. Ganito ko na rin kasi ginagawa ang aking negosyo. Ang kinakausap ko lang ay yung mga taong interesado at willing talagang makinig sa ino-offer ko. At nang dahil dito naging enjoyable gawin ang business ko dahil hindi na ako nakikipagtalo pa o nagko-convince sa mga taong negatibo.
Hanggang sa muli. Maraming Salamat sa oras ng pagbabasa mo nitong blog ko.
Empowering Your Success,
Marvin Bellen
Internet Entrepreneur / Network Marketer
CP No: 09158944839 / 09205544635
Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Facebook Fanpage: www.facebook.com/marvinbellenpage/
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com
P.S.Gusto mo bang malaman kung paano at saan mo hahanapin ang mga taong open at interesado na sa networkng business mo? Iyon yung tatalakayin ko sa blog kong ito sa susunod kong post.





