Kapag hindi mo gusto ang nangyayari sa inaasahan mong mangyayari sa'yo sa iyong buhay pinansyal, hindi ang kakulangan o kawalan ng pera ang problema.
Ang kakulanga o kawalan mo ng pera ang isa lamang sintomas o pahiwatig sa'yo kung ano ang nangyayari sa loob ng iyong pagkatao. Ang pagiging mahirap o walang-wala ay isa lamang resulta. Ano ang posibleng dahilan nito?
Hindi ito dahil naging malupit ang mundo sa'yo. Hindi ito dahil sa pagbagsak ng ekonomiya. Hindi rin ito dahil sa mga magulang mo na hindi najkakaintindi sa'yo o hindi ito dahil ng sinumang tao.
Ito ay dahil sa'yo. Hindi naman sa dinuduro kita na para bang sinasabi ko sa'yo kung gaano ka kasama o hindi kita sinisisi sa naging katayuan mo ngayon sa buhay. Hindi rin sa pagiging tamad mo o sa pagiging kapos sa anumang bagay o paraan. Pero ikaw lang ang responsable para gawin yung mga bagay na dapat mong gawin para makaalis sa kalagayan mong iyan.
Ang tanging paraan lang para permanenteng mabago ang paligid mo ay ang pagbabago muna sa sarili mo.
Bawat isa kasi sa atin ay meron nang blueprint na nakakatatak sa ating subsconscious mind kung paano natin hinaharap ang buhay. Maging sa pera man, lovelife man iyan, kaibigan at iba pang kaligayahan natin. Meron at merong tayong kinalaman sa lahat ng iyan na tulad ng pag-aadjust ng setting ng sarili natin.
Pwede kang maging pinakamagaling na business person, negotiator, marketer, salesperson, communicator, o anuman sa trabaho mo. Pwede mo malaman ang halos lahat tungkol sa real estate or stocks.
Pwede kang maging pinakamagaling na networker, pero kung ang money blueprint mo ay hindi pa naka-set o naka-adjust sa mas mataas na level ng success, hindi ka magkakaroon ng malaking kita o pera. Kung sakali man magkaroon ka noon hindi iyon magtatagal at mawawala rin iyon sa'yo.
So, sa ngayon, ano ba ang lagay o set ng money blueprint mo? Paano ka makakatiyak na yun na nga yun?
Simple lang. Tingnan mo kung magkano ang income mo ngayon.
Kung gusto mo talaga magkaroon ng totoong success, napakahalagang paniwalaan mo na ikaw ang may hawak ng manibela ng buhay mo. Kailangan mong maniwala na ikaw ang nakakagawa ng success, karukhaan at ng kahit na anong paghihirap na nakukuha mo. Nagagawa mo ito may malay ka man o wala. Napapansin mo man ito sa isip mo o hindi, ikaw ang nakakagawa ng lahat ng iyon.
Sa halip na akuin ang buong responsibilidad sa buhay nila, karamihan ay naglalaro ng papel ng isang biktima. Madali mo silang makilala dahil sa tatlong ugaling litaw na litaw sa pagkatao nila: paninisi, pagpapalusot, at pagrereklamo.
Sinisisi nila ang naging negosyo nila, yung market nila, yung lugar nila, yung malaking kaltas na tax, yung gobyerno, yung empleyado o employer nila, yung partner nila, o yung bobong shipping group. Lahat na lang ata ay sinsisi nila. Laging silang may sinisising bagay o tao.
Kung minsan, binabalewala na lang nila ang sariling kakayahan sa palusot na, "Hindi naman mahalaga ang pera." May isang tanong ako sa'yo. Kung sabihin mong hindi mahalaga sa'yo ang asawa mo, o boyfriend or girlfriend mo, tatagal kaya sila sa'yo? Ewan ko na lang.
Kung hindi mahalaga ang pera sa'yo, isang bagay lang tungkol sa'yo ang sigurado. Siguradong hirap ka o wala ka nun. Simple lang di ba? Lahat ng bagay na meron ka ngayon ay naging mahalaga sa'yo? Tama ba ako, o tama ako? Pero marami sa atin ang nagpapalusot na lang sa sarili nila sa mga bagay na dapat sana ay ginagawa nila para magkaroon pa ng mas higit na kasiyahan.
At ang iba naman ay yung mga reklamador. Ang pagrereklamo ang pinakamalalang bagay na magagawa mo para sa kalusugan at kasaganaan ng buhay mo.
Anuman ang iyong tinututukan ay lumalaki.
Kapag nagrereklamo ka, ano ba ang tinututukan mo? Yung maganda ba o yung masama sa buhay mo? Since na kung anuman ang tinututukan mo, yun ang napapala mo, ina-attract mo pa lalo yung masasamang bagay sa buhay mo. Kapag nagrereklamo ka, ina-attract mo ang mga kamalasan sa buhay. Nagiging magnet ka ng kamalasan.
Bakit hindi mo gawin ang bagay na ituturo ko sa'yo rito. Magmula ngayon, walang paninisi, pagpapalusot o pagrereklamo. At gagawin mo ito sa loob ng 7 araw. Kailangan buong 7 araw dahil marahil meron pang titra-tirang kamalasan ang darating sa'yo na gawa mo dati pa. Hindi kasing bilis ng liwanag ang dating ng kamalasan. Napakabagal nito kaya kakailanganin ng matagal na panahon bago ito tuluyang mawala.
Gusto ko rin i-share sa'yo ang motto na'to: “If it is to be, it is up to me.”
Ulitin mo nang malakas: “If it is to be, it is up to me.”
Ano ang masasabi sa post kong ito? Alam ko na tao na lang tayo at kahit sino satin ay maraming dahilan kung bakit tayo naninisi, nagpapalusot at nagrereklamo o naglalaro ng papel ng isang biktima. Comment mo lang sa baba kung anuman ang natutunan mo para ka maging successful.
Ano ang masasabi sa post kong ito? Alam ko na tao na lang tayo at kahit sino satin ay maraming dahilan kung bakit tayo naninisi, nagpapalusot at nagrereklamo o naglalaro ng papel ng isang biktima. Comment mo lang sa baba kung anuman ang natutunan mo para ka maging successful.
Empowering Your Success,
Marvin Bellen
CP No: 09158944839 / 09205544635
Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com
Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com





