About

recent

Titulo

Who is Your Target Market in Your Network Marketing Business?


Ang bawat business at company ay merong tinatawag na kanya-kanyang "target market" or "target audience". Kung nanonood ka ng mga TV at pinapanood mo rin yung mga commercials, virtually ay nakatuon ang bawat commercial na yun sa isang partikular na audience nila. 

Halimbawa ay yung diapers for babies kung paano nito mas matutulungan ang mga mommy na maalagaan ang anak nila, mga bagong gadgets or load promos na patok sa mga teenagers na mahilig mag-text or call, mga food or vitamin supplement para sa mga matatanda na nangangailangan ng mas healthy at happy lifestyle at marami pang iba. 

Lahat ng mga commercials na yun, ay naka-design sa "target" market or audience nila na pinaka-malamang na magka-interes, mangailangan, or bumili ng products or ng services nila.

So, paano naman pagdating sa ating Network Marketing business? Meron ka bang "target" audience na may pangangailangan, interes, o pagnanais sa products at opportunity mo? 

Bago mo sagutin ang tanong na yan, gusto kitang bigyan ng napakahalagang clue, na taon ang binilang bago ko natutunan at naintindihan. At yun ay, hindi yun LAHAT ng tao! 

Noong bago pa lang ako sa industry na'to ang isa sa mga itinuro sa akin ay yung pamumusakal or yung pagkausap sa kahit kanino. Hindi yun nag-work para sa akin, pero kung ikaw ang tatanungin, gusto mo rin ba yung maggala sa kahit saan at kausapin tungkol sa business mo ang kahit na sinong taong makikita mo? 

Palagay mo, ano ang magiging tingin sa'yo ng mga taong makakausap mo? Hindi yun naging appealing para akin. 

Hanggang sa matutunan ko na pwede mong maging prospect ang isang tao pero ang dapat na market mo ay yung target audience ng business mo; na ipinapakita mo na naiintindihan mo sila at alam mo yung mga problema nila at ipinapakita mo rin kung paano mo sila matutulungang ma-solusyunan or ma-solve yung mga problema nila. 

Ito yung tip na gusto kong isipin mo.. 
If you try to market to everyone, you will get no one!

So, handa ka na bang malaman yung sagot na pwedeng makapagpabago sa pag-build at pag-market ng business mo?

Watch this short video para matutunan mo kung sino yung target audience mo at kung bakit...



Nang matutunan ko kung sino ang target audience ng business ko, nagbago ang pag-build ko ng business ko sa mas marangal, ethical at enjoyable na paraan. Nakakapanibago sa simula, pero habang iniisip ko kung sino lang ang taong dapat kong i-target at kung bakit, it made perfect sense!

Feel free to share it sa mga kaibigan at partners mo kung may natutunan kang bago sa blog post ko na'to. Pwede ka ring mag-iwan ng comment sa baba sa kung ano ang masasabi mo. Thank you once again!

P.S. Kung gusto mo ring matutunan kung paano ka makakapag-attract ng maraming prospects na willing bumili ng products or sumali sa business mo, Simply Click HERE!

Empowering Your Success,

Marvin Bellen
Internet Entrepreneur / Network Marketer
CP No: 0915 894 4839 / 0920 554 4635



Email: aboutmarvinbellen@gmail.com 
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com


Powered by Blogger.