Malamang ay meron ka nang malinaw na nai-imagine tuwing nababanggit ang network marketing or networking (A.K.A. direct sales or multi-level marketing) Pwedeng mga misis na nagba-buy and sell ng mga Tupperware habang nakikipag-kwentuhan at kumakain ng sandwich o di kaya ay isang salesperson na nagkukumbinse sa'yo kung paano ka maging mayaman o milyonaryo kung ikaw at yung mga kaibigan mo at mga kaibigan nila and so on, ay bibili at magbebenta rin ng mga vitamins at supplements kasama niya.
Ang mga naiisip mong ito ay hindi maaaring karagdagan sa katotohanan ng network marketing. Hindi ito isang libangan o isang "get-rich-quick scheme" kundi ay isang opportunity para sa'yo para kumita ng pera habang nagpapatakbo ng sarili mong part-time or full-time na negosyo.
Pero, ano nga ba talaga ang kailangan para maging successful sa ganitong industry? Heto ang ilang tips na natutunan ko para magawa yun:
Choose wisely. Merong "six key elements" na dapat ay hinahanap mo kapag namimili ka ng opportunity na sasalihan. Number one: stability. Gaano na katagal ang company? Number two ay mahuhusay na products or services na magagamit at kinakailangan ng mga consumers.
Number three ay yung payplan--kung gaano ka-fair at ka-generous ang overall na distribution nito sa lahat ng members/partners? Napaka-crucial nito dahil sa payplan nakasalalay kung saan ka ba kikita--o kung hindi kikita. Meron lang namang dalawang bagay na kailangan mong itanong tungkol dito: Magkano ang kikitain mo sa bawat sales or benta na magagawa mo in a monthly basis, at gaano ka-fair yung kitang natatanggap ng mga matatagal na at ng mga bago pa lang?
Number four ay yung integrity ng company at ng management. As much as possible, mag-imbestiga ka sa experience ng CEO, yung kanilang experience sa network marketing industry at kanilang background. Naging successful ba sila sa ibang company sa industry na'to? Meron ba silang magandang reputasyon?
Number five is yung momentum at timing. Tignan mo kung saan yung company, ano ang mga kaganapan sa company at kung lumalaki ba'to?
Number six ay yung support, training at business systems. Pwedeng nakapili ka ng napakagandang company na may magagaling na management, products na kakaiba, payplan na fair at generous sa mga miyembro, at merong magandang momentum at stability, pero kung wala kang system in place na maayos at effective, lahat ng iyon ay mawawalan ng kwenta. Karamihang company ay merong training at sistema na pinapatupad, at dun pumapasok yung tinatawag na mentorship.
Practice what they teach. Para maging successful, kailangan mong maging willing makinig at matuto sa mga mentors. Sa paraan kung paano nagagawa ang industry na'to, nasa pinakamagandang interes ng mga MLM veterans o yung matatagal na sa company mo na tulungan ka rin maging successful, kaya willing din sila na ituro sa'yo ang sistema nila. Anuman ang ginawa ng mentor mo para maging successful, napaka-duplicatible nun, pero kailangan mong makinig at matuto at masundan yung sistemang iyon.
The higher-ups. Pwedeng iba-iba ang maging tawagan niyo pero ang general term ay "upline" na ang ibig sabihin ay yung taong nasa taas mo o nauna sa'yo. Gaano sila ka-supportive sa'yo? Tinatawagan ka ba nila? Tinutulungan ka ba nila na magawa ang nasa plano niyo? Committed ba sila sa success mo na gaya nang sa kanila? Kailangan ay lagi kang may ugnayan sa mga "Uplines" mo at natatawagan mo sila anytime para magsabi ng "kailangan ko po ng tulong." Gaano man kalaki ang natatanggap mong suporta sa mga "uplines" mo ay napakahalaga.
Take up the lead with your downline. Merong term sa network marketing industry na tinatawag na "orphans" o ampon--kapag ang isang tao na nakapasok at yung tao na nagpasok sa kanila ay sobrang busy na magpasok ng iba pang tao na wala na siyang oras para magturo at mag-train dun sa bagong pasok. Kailangan maging handa ka rin na gumugol ng at least 30 days para tulungan yung bagong sali sa industry--sa pag-training sa kanila, pag-suporta sa kanila at pag-alalay sa kanila hanggang sa maging kaya na nila mag-isa. Kailangan mong tanungin ang sarili mo, willing ka bang gawin yun? Kaya mo bang gawin yun? Kasi'y talagang long-term relationship building ang gagawin mo rito. Hindi ito basta magpapapasok ka lang ng mga tao sa business at pagkatapos nun ay tapos na. Sasamahan mo ang mga taong ito at tutulungan sila upang bumuo ng mga relasyon.
On the net. Marami ang gumagamit ng internet bilang main marketing tool nila. Pwede kang mag-set-up ng iyong site na may autoresponders para kung makakuha ka ng leads, ang autoresponder ang bahalang mag-follow-up sa taong iyon. One of the greatest keys to success sa industry na'to ay ang follow-up. Marami ang tumatawag para malaman kung sino ang interesado o di kaya sila mismo ang tinatawagan para sabihin sa kanila na interesado sila, pero hindi nila pina-follow-up yung taong iyon. Ang automation sa internet ang nagbibigay-daan para sa isang mas magandang paraan ng pag-follow-up.
Ang tanging pangit lang sa internet ay yung marami ang gumagamit nito para mag-spam. Kung meron akong masasabing, "Di dapat" kapag gumagamit ka ng internet bilang marketing tool, yun ay yung pag-spam dahil magbibigay yun ng napakapangit na reputasyon hindi lang sa'yo kundi pati na rin sa company na kinabibilangan mo.
Taking care of business. Negosyo ito, at tulad ng pagpapatakbo ng isang franchise or store kailangan mo ring magaling humawak ng pera. Dapat alam mong magkumpara ng pumapasok na pera sa lumalabas na pera sa'yo nang parang isang full time business. Magkano ang kikitain mo sa kabila ng mga gagastusin mo rito? Napakahalaga na i-research mo ang bagay na ito bago ka makapagsimula. Magkano ang kikitain mo? Magkano ang magagastos mo habang ginagawa ito?
Don't quit your day job...yet. Huwag ka munang umalis sa full time position mo sa trabaho maliban lang kung nakakasiguro ka na sa income na kikitain mo sa network marketing business mo. Kailangan connected ka pa rin muna pansamantala sa stable na trabaho mo at siguruhin mong maging katumbas o higit pa sa kinikita mo sa trabaho mo yung kinikita mo sa network marketing business mo bago ka mag-resign o umalis sa trabaho.
Kung may napulot kang value sa post ko na'to, feel FREE lang to share it to your friends and partners. Thank you ulit sa time for reading my posts. Until next time! See you to the top!
P.S. Kung gusto mo ring matutunan kung paano ka makakapag-sponsor nang maraming downlines sa network marketing business mo, 'kahit mahiyain or bago ka pa lang sa business mo' Simply Click HERE!
Empowering Your Success,
Marvin Bellen
Internet Entrepreneur / Network Marketer
CP No: 0915 894 4839 / 0920 554 4635
Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com





