About

recent

Titulo

Dalawang Klase Ng Tao Na May Negatibong Pananaw Sa Pera



Heto ang ilang bagay na kailangan mo munang malaman tungkol sa pera.

Karamihan kasi sa mga tao ay walang alam tungkol sa pera pero gusto nila kumita nang maraming pera.

Parang walang sense!

Noong nag-struggle pa ako sa online business ko marami akong na-meet at nakakausap na tao na nagtatanong sakin tungkol sa pera.

Ang mga tanong na binabato nila sakin ay mga tanong na tulad ng..

"Bakit ka ba nag-aaksaya ng oras mo diyan, wala rin namang mangyayari diyan sa ginagawa mo?"

o, di naman kaya ay,

"Kailan ka ba maghahanap ng mabuti at matinong trabaho?"

Kahit ang tanong nila ay di naman direktang tungkol sa pera, sa pananalita pa lamang nila ay malalaman mong ang pinaka-ugat ng mga tanong nilang iyon ay may kaugnayan pa rin sa pera, sa income.

Kaya naman gusto ko rin ipaalam sa'yo na may dalawang klase ng tao na may negatibong sinasabi tungkol sa pera.

Ang unang klase ay yung grupo ng mga Inosente.

Ang mga taong ito ang maraming sinasabi tungkol sa pera na para bang alam nila ang nangyayari pero ang totoo wala talaga silang kaalam-alam pagdating sa pera.

Ang isang halimbawa na rito ay yung miyembro mismo ng ating pamilya. Hindi naman natin sila masisisi sa bagay na ito dahil wala naman talaga silang alam pagdating sa pera. Ang alam lang nila ay ang mag-trabaho para kumita ng pera. Bukod doon wala na. Hanggang doon lang.

Wala naman sila talagang intensyon na saktan tayo pero dahil nga sa kanilang paniniwala tungkol sa pera, susubukan talaga nilang ipasunod sa atin ang kanilang mga yapak sa kanilang buhay pinansyal.

Ang pangalawang klase naman ay yung grupo ng mga Maysala.

Hindi tulad nung naunang grupo, ang mga taong ito ay may intensyon na hatakin ka pababa. At sinisiguro pa talaga nila na nasa baba ka lang.

Karaniwan na kasi sa mga ganitong tipo ng tao yung mga nakasubok nang gumawa ng paraan para mabago ang buhay nila pero walang nangyari. Sa madaling salita, sila yung mga nag-failed. Kaya naman para di nila maramdaman na sila lang yung ganun, hahatakin ka nila pababa papunta sa kinalalagyan nila.

Kung hindi mo pa nare-realize, ang pera ay isa lamang kagamitan. Anuman ang maging paniniwala na nasa isipan mo tungkol sa pera, ito ay mananatili pa ring isang kagamitan lamang ng tao.

Nakikita mo na ba ang inalalarawan ko sa post kong ito?

Karamihan kasi ang tingin nila sa pera ay isa lamang resulta ng magandang buhay or ng swerte at dahil dun, maraming tao ang laging ang iniisip ay ang pera sa halip na yung sarili nila mismo na may halaga at kayang makapagbigay ng kaibahan sa mundong ginagalawan at sa kapwa nila.

Kung gusto mo talagang maging masagana at kumita nang malaking pera, kailangan mo ng oras at panahon para intindihin kung ano ba talaga ito. Saan ito nanggagaling? Paano ito ginagawa? Bakit may mayaman at bakit may mahirap?

Katulad ng pera, ang isang internet business ay kailangan mo rin maintindihan kung paano ba ito gumagana. Kung hindi mo alam, pano ka magkakaroon ng commission at makaalis sa trabaho mo?

Kung makakapaglaan ka lamang ng 18 minutes para malaman kung paano gumagana ang isang internet business at magkaroon ng malaking kita, maituturo ko sa'yo rito kung paano. Simply click!: -http://workwithbellenmarvin.blogspot.com

Alalahanin mo, kapag gusto mong makuha ang isang bagay, kailangan ay meron kang sapat na kaalaman tungkol dito. At ito na nga yun.

Hanggang sa muli. Maraming salamat sa pagbisita mo sa blog kong ito.

Empowering Your Success,

Marvin Bellen
Internet Entrepreneur / Network Marketer

CP No: 09158944839 / 09205544635
Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com

P.S. Gusto mo din bang malaman kung paano ka pwedeng kumita ng hanggang $700 o P30,000 na extra income linggo-linggo gamit ang Internet at Facebook, kahit nasa bahay ka lang (o nasa internet shops) tulad ko at ng mga kaibigan ko?

Simply visit: http://workwithbellenmarvin.blogspot.com

Powered by Blogger.