About

recent

Titulo

Bakit Marami Ang Nagfa-fail At Nahihirapan Sa Kanilang Networking Business?


Napapagod ka na ba sa mga itinuturo at ipinapagawang paraan para gawin ang networking business mo? Isang halimbawa na rito ay yung paulit-ulit na pag-imbita ng kung sino-sinong tao sa MLM Company niyo. Pero ni isa man sa nai-invite mo ay walang sumali kahit gaano man kaganda para sa'yo yung pag present ng upline mo or ng speaker ng company mo sa product presentation at marketing plan?

Naimbitahan mo na rin ba ang halos lahat ng kamag-anak mo pero kundi sila negative ay wala silang perang pang pang-invest. At ang karamihan sa kanila ay hindi naman talaga interesado sa business, na kaya lang pumunta ay dahil napilitan lang o di kaya ay pinagbigyan ka lang?


Nasabihan ka na rin ba ng linyang, "Balikan mo na lang ako kapag may resulta ka na."? Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong kong ito, gusto kong ipaalam sa'yo na hindi ka nag-iisa.


Sa katunayan, maraming networkers ang hirap na hirap sa kanilang negosyo. Yung iba, napipilitan na lang humito o mag-quit habang ang iba naman ay nagtatanim ng sama ng loob sa sarili nila dahil sa pakiramdam na napeke, nadaya o na-scam umano sila ng isang networking.


This is the hard truth! 97% ng mga Networkers ang nagfa-fail sa kanilang business. At ang dahilan kung bakit ay ang "Lack of Proper Sales and Marketing Skills." Ang karaniwan naman kasing turo ng mga uplines para gawin ang networking business ay nakabase lamang sa pagkausap at pag-alok  sa mga kaibigan, kamag-anak, kakilala, (KKK) at paglapit sa mga taong di naman gaanong kilala.


Pwede kang ma-offend sa sasabihin kong ito pero karamihan sa mga networkers ay wala talagang sapat na skills at strategies about Effective Sales and Marketing. Dahil karamihan sa mga networkers ay mga baguhan o first time lang pumasok sa mundo ng pagnenegosyo. Yung iba nga ay may negative connotation pa sa salitang Sales and Marketing.


Kung babalangkasin natin ang failure rate ng networking industry, ibig sabihin nun ay sa loob 1000 tao na sabay sabay na papasok sa networking business, 30 lamang sa kanila ang magiging successful at ang natitira ngang 97% ay hindi kikita at puro palabas ang pera dahil sa mga expenses nila gaya ng pamasahe, pang-libre sa invites, pang-conduct ng business presentation sa iba-ibang lugar ar marami pang iba.


Nakakalungkot at nakakagulat man ang katotohanang ito tungkol sa networking, wala kang dapat ipag-alala. It's not about the MLM industry itself at hindi isinumpa ang 97% ng mga networkers. Kailangan lang nating magkaroon ng mga effective skills at proper mindset para sa makabagong approach sa business na ito.


Kung tutuusin, wala naman talaga tayong matatawag na tama o maling paraan para gawin ang ating networking business. Pero meron naman tayong masasabing effective at mas madaling paraan para gawin ito.


Kaya kung gusto mo nang wakasan ang paghihirap mo sa iyong networking business at huwag nang mapabilang sa 97% na nagfa-fail sa ganitong business, abangan at basahin mong mabuti ang susunod kong blogpost. Doon isisiwalat ko yung mga maling paniniwala, katotohanan at kasinungalingan sa likod ng industriyang ito sa atin dito sa Pilipinas. Nang sa ganun ay lalo mong maunawaan kung bakit nga ba napakarami ang hindi nagiging successful sa networking.



Sa ngayon, maraming salamat sa pagbisita sa website ko at sa pagbabasa ng blog ko. Thank you very much! Till my next post! =)

Empowering Your Success,



Marvin Bellen
Internet Entrepreneur / Network Marketer

Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Phone No: 09158944839 / 09205544635
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage

Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com

P.S. Ang blog post kong ito ay hango sa isang eBook ng aking nakilalang kaibigan sa internet at facebook na naging Coach at Mentor ko sa Network Marketing (networking) industry dito sa Pilpinas at siya ring nagmulat sa akin ng katotohanan sa likod ng negosyong ito. 


Kung gusto mo rin siyang makilala at magkaroon ng kopya ng ebook niyang iyon, Simply Click Here: >> https://ThePinoyMLMExpose.blogspot.com/

Powered by Blogger.