Nagawa mo na ring bang lapitan at kausapin ang kahit na sino para mapasali sa networking business mo? Kung ikaw kaya ang lapitan at kausapin ng di mo naman kakilala, anong mararamdaman mo? Hindi mo maiiwasang magduda at mag-isip ka ng di maganda sa taong iyon, di ba? Ganun din ang mararamdaman ng prospects mo. Awkward, ika nga nila.
Pero hanggang ngayon ay itinuturo pa rin sa mga networkers na ang lahat ng tao ay prospects. Kaya naman hanggang ngayon ay may gumagawa pa rin ng mga nakaka-shock at unprofessional prospecting methods na ito. Isang halimbawa nga nito ay ang pagkausap sa halos lahat ng taong makikita at makakasalamuha basta may pagkakataong magkatinginan ay siguradong prospect na.
Natatawa na lamang ako sa sarili ko kapag naaalala ko yung mga ganoong pinaggagawa ko noon sa business ko. Nakakabilib ang lakas ng loob, pero ang hindi ko alam dati na sa ganung pamamaraan, ay iba ang nagiging tingin sa akin ng tao. Yung mga kaibigan ko nga ay umiiwas na at pati mga kamag-anak ko ay naramdaman kong umiilag na sa akin na parang may nakakahawa akong sakit.
Siguro kung noong Industrial Age ko ginawa yung mga ganung strategies ay pwedeng naging Top Recruiter ako. Yun yung panahong wala pa gaanong malay ang tao sa teknolohiya. Yung panahong ang tanging paraan lang para makabalita ka ay sa pamamagitan lang ng mga kwento ng mga kapitbahay at kamag-anak mo.
Pero iba na ang panahon ngayon. Nasa Information Age na tayo. At ang mga prospects natin ngayon ay di na tulad noon na wala pang malay sa networking. Ngayon, may mabigkas ka lang na salita na karaniwan nilang maririnig sa mga networking presentation ay siguradong iiwasan ka na nila.
Kapag narinig nila ang networking, ang sunod na nasa isip nila ay pyramiding. Ilegal o pera-pera lang. At kapag kinausap mo na tungkol sa business ang sunod namang nasa isip nila ay, "nirerecruit mo lang ako para makabenta ka ng product package niyo." In other words, "pineperahan mo lang ako."
Napakaraming tao na ang nagkaroon ng mababang tingin o bad impression sa networking. Pero ang totoong nangyayari, kaya lang napapasama ang image ng networking ay dahil sa mga ginagawang prospecting practices ng mga networkers. Kaya tuloy marami ang turn off agad sa ganitong klase ng negosyo.
Kahit gaano man kaganda ang product o Networking Company mo, hindi mo mapapasali ang prospect mo hangga't hindi mo sila nauunawaan nang husto. Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat maunawaan mo sa kanila:
- Sila ay sadya nang negative pagdating sa Networking.
- Hindi sila basta-basta nagtitiwala sa mga taong di nila kakilala lalo pa't maglalabas sila ng perang pampuhunan.
- Ayaw nila ng anumang pagbabago sa buhay nila.
- Kuntento na sila sa takbo ng buhay nila, na hanggang doon na lang sila.
- Takot silang maging mayaman. (di kapani-paniwala pero marami na akong nakausap na ganito)
- Matindi ang paniniwala nila sa kasabihang, "Money is the root of all evil." (Ayaw nilang magmukhang masama sa paningin ng iba)
- Marami na silang pinagkakakitaan at wala na silang planong magkaroon ng panibago
- Ayaw nila ng mga gawaing may perang involve. (Ayaw nila ng anumang risk)
- Kinasusuklaman nila ang pagbebenta
- Hindi sila interesadong mag negosyo
- Kuntento na sila na maging empleyado habang buhay
- Wala silang pakialam basta't nasusubaybayan nila yung mga paboritong nilang palaabas o teleserye sa TV.
- At marami pang iba..
Aminin man natin o hindi, ang mga nasabi ko sa taas ay ilan lamang sa mga realidad na tinatanggi nating mga networkers dahil ayaw nating maging negative. Pero kailangan nating harapin ang katotohanang ito.
Lahat ng iyon ay galing sa karanasan ko bilang networker at malamang kung kagaya mo ako ay naranasan mo rin ang mga iyon. Sila ay pwede mo ring makumbinseng sumali sa'yo pero yun ay kung napilitan na sila o nakulitan lang sa'yo. At bago mo sila makumbinse ay maraming oras at pagod ang ibubuwis mo kumpara naman dun sa mga tama at qualified na prospect ang napasali mo.
Alahahanin nating ang networking business ay hindi lang basta paramihan ng mga napasali kundi patibayan at palakihan ng network or organization na nabuo.
So, kung ganito pala ang katotohanan, pano na nating ngayon gagawin ang ating networking business? Ano ang kailangan nating matutunan para magawa nang maayos ang ganitong negosyo?
Iyon ang susunod kong topic sa blog kong ito. Sa ngayon, kung merong ka mang natutunan o anumang bagay na naliwanagan, feel free to comment it below.
Maraming Salamat sa oras ng pagbabasa mo ng blogpost kong ito!
Empowering Your Success,
Marvin Bellen
Internet Entrepreneur / Network Marketing
Email: aboutmarvinbellen@gmail.com
Phone No: 09158944839 / 09205544635
Facebook: www.facebook.com/marvinbellenpage
Blog & Website: www.MarvinBellen.blogspot.com
P.S. Ang blog post kong ito ay hango sa isang ebook ng aking nakilalang kaibigan sa internet at facebook na naging Coach at Mentor ko sa Network Marketing (networking) industry dito sa Pilpinas at siya ring nagmulat sa akin ng katotohanan sa likod ng negosyong ito.
Kung gusto mo rin siyang makilala at magkaroon ng kopya ng ebook niyang iyon, Simply Click Here: >> https://ThePinoyMLMExpose.blogspot.com/





